Skip to content
You are here: Home Articles Essays Practical Application ng Counter Strike
Practical Application ng Counter Strike PDF Print E-mail
Written by labatiba   
Saturday, 09 May 2009 21:27

People are always looking for practical applications of the things they study. Like math, kaya maraming ayaw ng math kasi hindi nila magets kung makukulayan ba ni sine theta ang namumuti nilang buhok o kung mahahanap ba ng derivative of the equation ang nawawalang cellphone.

So, yeah, aaminin ko. Adik ako sa cs. Hinahanap-hanap siya ng sistema ko everytime i have nothing to do and money left in my wallet. It is a fun, enjoyable game that can drain you of your money and sense of reality. dahil sobrang exciting niya.

Ngayon, naisip ko (dahil na din siguro sa kaadikan) na may practical applications din ang larong ito. Heto ang ilan sa kanila.

1. YOU DECIDE WHAT WORKS BEST FOR LESS. Marami kang pagpipiliang baril sa cs. Personally, paborito ko ang mga rifle. Yung bullpup at yung katumbas niya sa terrorist ang mga paborito ko. Pero, pag wala nang pera, pinapatos ko din ang clarion o kaya ang ak 47. Mura na, malakas pa. Minsan, napag-eksperimentuhan ko din ang pistols. Pero mas swak talaga sa panlasa ang mga rifle. Natututo kang maghanap based on quality and price range. lalo na kung namumulubi ka na at ang pera mo nalang ay 2,500. yuck! POOR NO FRIENDS!

2. YOU STICK WITH WHAT WORKS. Natuto akong gamitin ang command "b-r" kapag nagtitipid sa oras. Anung ginagawa nito? Ito yung auto rebuy. Simple lang. Bibilhin niya lahat ng binili mo nung previous round. Masaklap nga lang pag wala ka nang pera. Kaya ako nagrerebuy kasi nagwowork naman talaga yung mga nabibili ko. Kaya kebs lang.

3. YOU BECOME OBSERVANT. Tingin sa taas, sa kaliwa, sa kanan, sa baba. Keep both eyes open at makinig sa footsteps. Kung kaya mo nga lang din maramdaman ang mga nangyayari sa paligid gagawin mo eh. Kaya nakakaimbyerna pag na-flash bang ka. Bukod sa bulag ka, rindi ka pa.

4. YOU LEARN HOW TO CONCEAL YOURSELF. Masayang maghanap ng mga lugar na tataguan. Yung tipong naka-posisyon ka para hindi ka makikita sabay mamamaril ka na. Paborito kong gawin to. Abangers.

5. YOU LEARN TEAMWORK. Yeah, kasi madalas may teammates ka dito. Kahit hindi mo kilala lahat ng teammates mo sumuporta ka. Hahahaha.

6. STEALTH IS THE KEY! Masarap dumaan sa mga lugar na hindi madaling makita. Parang yung sa number 4, kaso pati sa movements. Maglakad ka ng tahimik. Magcrouch all the way ka. Ayus. Basta wag ka magpapakita sa kalaban. applicable to sa buhay ko, lalo na pag late na ako nakakauwi samin.

7. PROTECTION IS IMPORTANT. Natututo kang ang kevlar and helmet ay hindi na basta option lang. Necessity na ito. pero kung maheheadshot ka o masasaksak ka, wala ka talagang kawala dun.

8. ASSERT YOURSELF. Kahit maging "brave soul" ka, matuto kang hindi laging pahulihin (kagaya ko, kasi nga laging abangers). Hindi ka makakapatay niyan at, minsan, ikaw nalang ang matitira sa team niyo habang lahat ng kalaban ay buhay pa.

Ayun, ilan yan sa mga application ng cs sa buhay.

Kakadiri, lumalabas ang ka-nerd-an ko. Akalain niyo ba, isang beses, paguwi ko samin at wala pa ang mga magulang ko, napasigaw ako ng...

TERRORISTS WIN!

Last Updated on Monday, 25 May 2009 17:59
 

Articles Archive

eLBizen Login


FB Fanbox